Mga Alituntunin ng Site

Mga patakaran para sa Paggamit ng ProZ.com

Ang mga sumusunod na patakaran ay nalikha upang mapalawak at maprotektahan ang kanais-nais, paligid na nakatuon sa mga resulta ng lugar na pinagtatrabahuhan ng pagsasaling-wika ng ProZ.com. Sa pamamagitan ng paggamit ng site, naipahiwatig mo ang iyong pagtanggap ng, at kasunduang sumunod sa, mga patakarang ito.


Patakaran ng Site

1 Ang ProZ.com Blue Board ay ibinigay bilang isang mapagkukunan para sa pagsangguni ng mga outsourcer ng pagsasalin, pagsasalin at iba pang gawaing nauugnay sa wika, at para sa pagpapahayag ng kagustuhang magtrabahong muli sa naibigay na mga outsourcer.
Ang paggamit ng Blue Board para sa ibang mga hangarin ay hindi pinahihintulutan.
2 Dapat maabot ang ilang mga kundisyon bago magawa ang mga entry sa Blue Board.
Ang mga entry na patungkol sa kagustuhang magtrabahong muli sa naibigay na mga outsourcer ay papayagan lamang kapag (1) nakumpleto ang naikomisyong trabaho nang buo at maihatid sa oras, at (2) walang mga reklamo ang naugnay sa kalidad kaagad pagkatapos ng paghahatid. Maaaring hindi ka makagawa ng mga entry lamang sa batayang mga negosasyon, pagsubok sa pagsasalin, o iba pang paunang ugnayan o hindi naikomisyong mga pakikipag-ugnay.
3 Hindi posibleng mai-edit ang isang entry kapag ang isang tugon dito ay natanggap.
Mapapayagan ang isang tagabigay-serbisyo upang makagawa ng isang maikling entry, at ang outsourcer ay pinayagang gumawa ng isang maikling tugon. (Tandaang posibleng mai-edit ang isang entry hanggang sa naturang oras sa pagtanggap ng tugon.)
4 Hindi posibleng mai-edit ang mga tugon kapag naisumite ang mga ito.
5 Ang mga gumagamit ng site ay mapapayagan lamang ng isang entry sa bawat outsourcer, bawat taon.
Ang mga karagdagang entry ay maaaring maidagdag minsan taunan, sa ilalim ng kundisyong ang gawain ng pagdaragdag ay nagampanan mula ng huling petsa ng entry ay nagawa.
6 Hindi pinahihintulutan ang mga sariling mga entry.
Ang mga outsourcer, at may-ari at empleyado ng mga nakalistang kumpanya ng pag-outsource sa Blue Board, ay maaaring hindi makagawa ng mga entry na patungkol sa kanilang "posibilidad na magtrabahong muli" sa sarili nila o kanilang mga kumpanya.
7 Ang paninirang-puri ay hindi pinahihintulutan.
Hindi maaaring magamit ang Blue Board upang matanggalan ng dangal ang sinumang indibidwal o negosyo. Ang mga entry, komentong kasama ng mga entry, at tugon sa mga entry, ay dapat tumuong maigi sa kagustuhang magtrabahong muli.
8 Ipinagbabawal ang pagtatangkang impluwensyahan ang paggamit ng Blue Board ng isa pa.
Ang paglalagay ng panggigipit sa isang taong magbago ng isang entry ng Blue Board o tugon, o upang makagawa ng isang bagong entry o tugon sa isang tiyak na katangian, ay ipinagbabawal. (Pag-anyaya sa mga nagbibigay-serbisyo o outsourcer upang makagawa ng mga entry o tugon ay tinatanggap, basta't walang pagtatangkang mag-impluwensya ng nilalaman sa mga pagpapaskil na iyon.)
9 Maaaring hindi magamit ang Blue Board upang makipagsabwatan.
Ang paggamit ng Blue Board, o pananakot na gumamit ng Blue Board, sa naturang paraang manggipit sa isang outsourcer o tagabigay-serbisyo sa pagsasagawa ng mga pagkilos, ay mahigpit na ipinagbabawal.
10 Mananatili sa lugar ang mga tala ng Blue Board sa hindi bababa sa anim na buwan kasunod ng anumang anyo ng aktibidad ng pag-outsource.
Isaaalang-alang ng ProZ.com ang mga kahilingang mula sa mga outsourcer na magkaroon ng ilang mga detalye ng contact na maalis mula sa Blue Board kapag naibigay ang mga tiyak na kadahilanan. Gayunpaman, kadalasan, ang naturang mga kahilingan ay hindi maisasaalang-alang hanggang sa hindi bababa sa anim na buwan ay lumipas pagkatapos ng petsa ng huling nakilalang aktibidad ng pag-outsource.

Ang pagsunod sa mga patakaran sa itaas ay isnag kundisyon para sa patuloy na karapatan sa pag-access at paggamit ng site.

Pagpapatupad

Maaaring gawin ng mga kasaping tauhan at moderator ang anuman sa mga sumusunod na aksyon upang maipatupad ang mga patakaran sa itaas:
* nakikipag-ugnay sa mga gumagamit ng site upang matawag ang pansin sa mga tiyak na patakaran
* pagtigil sa pag-apruba (o pag-alis/pagtago) ng mga pag-post na lumalabag sa isang patakaran
* nagsasanhi sa paglitaw ng isang mensaheng nauugnay sa mga patakaran sa tiyak na mga gumagamit kapag nagsagawa ang mga ito ng tiyak na mga aksyon
* pagsuspinde, pansamantala o permanente, pag-access sa mga tampok ng site na nagamit bilang paglabag sa mga patakaran.
* pagtatapos ng profile o pagiging kasapi (tauhan lamang)

Pagwawakas

Sa mga bihirang kaso ng malalang paglabag, maaaring wakasan ng mga kasapi ng tauhan ng ProZ.com ang isang profile (at pagiging kasapi) na agad na ipagpapabisa. Sa mga nakararaming kaso, gayunpaman, gumagamit ang ProZ.com ng isang patakarang "dilaw na card/pulang card", katulad ng kasanayang dilaw-na-card/pulang-card sa palakasang football/soccer, para sa mga pagwawakas.

Maiisyu lamang ang mga dilaw at pulang card ng mga kasaping tauhan. Bababanggitin lamang ang mga patakaran ayon sa numero, at ang petsa ng card ay nakatala. Ang mga term na "dilaw na card" o "pulang card" ay gagamiting malakihan; kung may isang email ang ipapadala, lilitaw ang mga term sa linya ng paksa.

Maaaring magpatuloy ang isang gumagamit ng site na naisyuhan na ng isang dilaw na card sa paggamit ng site (minsan may tiyak na mga paghihigpit), ngunit kung hindi man sa ilalim ng abisong ang karagdagang mga paglabag na iyong ay hahantong sa pagwawakas. Ang isang taong nawakasan ang profile ay hindi na muling tatanggapin sa ProZ.com.

Paglilinaw

Para sa paglilinaw patungkol sa anuman sa mga patakaran sa itaad o pagpapatupad ng patakaran, mangyaring isumite ang isang suportang kahilingan.

Request help


Site Documentation


The member services and support team
Jared

Jared

Lucia

Lucia

Helen

Helen

Yana

Yana

Karen

Karen

Evelio

Evelio

Hayjor Roca

Hayjor Roca

Andrea

Andrea

Naiara Solano

Naiara Solano

Joseph Oyange

Joseph Oyange

Isabella Capuselli

Isabella Capuselli

Saint Machiste

Saint Machiste

Valentin Zaninelli

Valentin Zaninelli

Laura Rucci

Laura Rucci

Erika Melchor

Erika Melchor

Charlotte Gathoni

Charlotte Gathoni

Agostina Menghini

Agostina Menghini

Tanya Quintery

Tanya Quintery

Benedict Ouma

Benedict Ouma

Ana Moirano

Ana Moirano

Isabel Thomson

Isabel Thomson

All of ProZ.com
  • All of ProZ.com
  • Paghahanap sa katawagan
  • Mga trabaho
  • Mga Talakayan
  • Multiple search