Ang Online na Pamayanan at Pook Pantrabaho para sa Mga Propesyonal ng Wika

Higit sa 1,144,437 mga propesyonal na na tagasalin at mga kumpanya sa pagsasalin

Magpatrabaho sa isang propesyonal na tagasalin o kumpanya sa pagsasalin:

gayundin: mag-browse ng mga freelance na tagasalin sa mas marami pang mga wika

Maghanap ng trabaho o magpatrabaho sa ProZ.com, ngunit ito ay hindi lang iisang website para sa pag-freelance...

Sapagkat ang ProZ.com ay may naiibang layon.

Ang layon ng ProZ.com ay ang mabigyan ng kapangyarihan ang mga propesyonal sa industriya ng wika na makamit ang kani-kanilang mga layunin sa hanapbuhay at marating ang tuktok ng kanilang kakayahan. Ginagawa ito ng ProZ.com sa pamamagitan ng: pagtuon sa tagumpay ng mga kasapi nito, pagbigay ng mga pagkakataong makuha ang mga pinakamakabagong kasangkapan, pagtuturo at pagbibigay-inspirasyon, at pagsulong ng pakikipagtulungan sa pagitan ng mga positibo at magkakatulad na propesyonal.

Ang pagtuon sa mga tao at sa trabahong ginagawa nila ang siya ngang dahilan kung bakit ang ProZ.com ay isang natatangi at mabisang lugar upang maitugma ang mga nagpapatrabaho sa mga magagaling na freelancer at mga kumpanya sa pagsasalin. Karamihan sa ibang mga website ay nagtatampok lamang ng isang listahan ng mga simpleng buod ng mga gumagawa.

Libre ang pagrehistro at walang kinakailangang mga credential.
proz.com mission

Tanong: Ano ang bukod-tangi tungkol sa ProZ.com?
Sagot: Ang modelo sa pagsapi sa ProZ.com. Ito ang dahilan...

Alinsunod sa pahayag sa layunin ng ProZ.com na nabanggit, may mga pagpipilian para sa pagsapi nang may bayad para sa mga propesyonal na tagasalin at tasagalin-bigkas, pati na sa mga kumpanya ng pagsasalin, para makamit ang mas maraming pakinabang sa pamayanan.

Ang pagsapi ay nagbibigay-daan upang makabili ng mga pinag-igting na mga kasangkapan at serbisyo, na nilikha mismo upang pag-igihin ang paghahanapbuhay at mailunsad ang mga karera.

Ang lahat ng mga serbisyo sa ProZ.com ay nag-aalok ng mas maraming mga benepisyo para sa mga nagbabayad na kasapi. Halimbawa dito ay ang pagkakapuwesto sa unahan ng mga direktoryo o ang walang-limitasyong paggamit ng mga impormasyon tungkol sa pamamahala ng peligro na matatagpuan sa mga buong tala sa Blue Board.

Ang pagsapi ay nagbibigay-daan upang makakonekta sa mga tagasalin at mga kumpanya ng tagasalin nang walang binabawas na komisyon

Ang bukod-tanging modelo sa pagsapi ng ProZ.com ay nangangahulugan na kapag kumonekta sa bawat isa ang mga nagpapatrabaho at mga nagtatrabaho sa pamamagitan ng ProZ.com, wala sinuman sa kanila ang sisingilin ng anumang komisyon o kabayaran. Kung may makatagpo kang kliyente o nagtatrabaho, ay habambuhay na ang iyong ugnayan sa kanila at ito ay walang limitasyon.

Lahat ay nakikinabang, at ito ay nagdudulot ng patuloy na pagtitiwala sa at paglago ng pamayanan sa industriya ng wika

Ang mga pakinabang na ipinapasa sa mga kasapi at mga nagpapatrabaho ay patuloy na direktang nag-aambag sa pagtatagumpay ng ProZ.com bilang pinakamalaki at pinaka-pinagtitiwalaang pamayanang online kung saan ay malayang makakabuo ang mga propesyonal sa wika ng mga bukas-loob na ugnayan sa pagtatrabaho.

proz.com outsourcing image

Freelance na tagasalin o kumpanya sa pagsasalin?

Magrehistro (libre)

Mga pandaigdigang negosyo

google logo
nikon logo
netflix logo
target logo
microsoft logo

Isang mabilisang pagtanaw sa ProZ.com

Pinakabagong mga patrabaho sa pagsasalin na naipaskil:

Ang pinakabagong mga tanong sa pagsasalin na itinanong sa pamamagitan ng KudoZ:

Kamakailang mga tinatalakay sa forum::

Mga susunod na aktibidad sa ProZ.com (online at offline):

Ang pinakabagong mga balita sa pagsasalin:

Your current localization setting

Tagalog
All of ProZ.com
  • All of ProZ.com
  • Paghahanap sa katawagan
  • Mga trabaho
  • Mga Talakayan
  • Multiple search