a) Gamitin ang anumang perang gustong mo Ang mga resulta ay magiging nasa perang ginamit mo
b) Ipasok ang mga kabayarang may kinalaman sa negosyo bilang taunang kabuuan. Ang patlang na ito ay dapat isama ang hardware, software, koneksyon sa Internet, lawak ng opisina, insurance sa negosyo, mga kinabibilangan, mga buwis, pagsasanay, mga seminar, atbp.
c) Ipasok ang iyong ninanais na personal na kitang inihayag bilang taunang halaga. Ito ay sasaklaw sa iyong pang-araw-araw na gastusin, mga ipon, personal na insurance, kitang maaaring gastusin atbp., at magiging isang pre-tax na numero.
d) Ipasok ang bilang ng mga oras bawat linggo na balak mong ituon sa iyong negosyong pagsasalin.
e) Ipasok ang bahagdan ng iyong oras ng pagtatrabaho na aktuwal mong ginamit sa pagsasalin. Huwag kalimutang isaalang-alang na ang di-pagsasaling gawaing gaya ng mga pakikipag-ugnay (email, mga tawag sa telepono, chat), pag-quote, pag-layout, paghahanda at pangangasiwa ng file at dokumento, pagkukuwenta ng bayarin, pag-a-account, pagmemerkado, paglalakad, pagsasanay, mga pahinga atbp.
Paunawa: Kung gumugol ka ng 2 oras sa isang 8 oras na araw ng paggawa sa isang di-pagsasaling gawain sa negosyo, kung gayon ang bahagdan ng oras na ginugol mo sa pagsasalin ay 6/8 = 75%
f) Ipasok ang karaniwang dami ng mga salitang naisalin bawat oras, pagkatapos maiayon para sa Cat tool na paggamit at iba pang mga salik.
Maaari kang gumamit ng ibang mga yunit maliban sa mga salita (gaya ng mga linya, mga pahina, o mga character); ang mga resulta ay dapat isaalang-alang na gamitin ang kaparehong yunit ng pagsusukat.
Isaalang-alang ang iyong net productivity sa loob ng karaniwang oras na nakatuon lamang sa pagsasalin, gaya ng pagsaalang-alang sa lahat ng mga nakakaagaw ng pansin sa nagdaang punto.
g) Ipasok ang bilang ng mga linggo ng piyesta-opisyal na ginagamit mo bawat taon. Dapat kasama nito hindi lang ang oras ng kaluwagan sa trabaho kundi pati ang mga araw na ginugugol mo sa mga pagpupulong, mga seminar, mga kumperensiya, atbp.
h) I-click ang "Isumite" upang makuha ang bilang ng mga salita na isasalin mo bawat taon at ang halaga na kakailanganin mong singilin para makuha ang iyong ninanais na antas ng kita. Maaari mong gustuhin na iayon ang halaga para sa mga trabahong aabutin ng higit o mababa sa iyong karaniwang bilis.
i) Dalawang link ang ibinigay sa ibaba ng mga resulta: ang una ay dinadala ka sa mga halaga na ipinasok mo sa profile mo, habang ang ikalawa ay patungo sa pangbuong site na karaniwang halaga. Ang mga halaga ay ipinapakita ayon sa pagkakapareha sa wika.